Ang Pagtanghal ng Binasuan sa selebrasyon ng Buwan ng Wika Pambansa na may temang Filipino, Wikang Mapagpalaya noon Agosto 30, 2024 sa SAMSCS Gymnasium. “Say binasúan na sakey na makulay tan magayagan sayaw nanlapod Bayambang, Pangasinan. Nen saman, ayan lanang so sasayawen no bansal tan piesta. Say “binasuan” ya nanlapod salitan pangasinan na say labay ton ni baga ed Filipino “gamit o sa pamamagitan ng baso” tan walay pahiwatig ya maliket na panagtatagay na tutuo tan panagselebra no oalay handaan. ” Ipinamamalas sa sayaw ang mahirap na tungkuling i-balanse ang tatlong baso na nakapatong sa ulo at sa dalawang palad ng isang babae hábang sumasayaw at isang baso na inililipat lipat sa siko, noo, at sa likod ng palad upang magpamalas ng kakaibang galaw ang mga kalalakihan, ang bawat baso ay may lamang alak o rice wine. Isinasagawa ang naturang pagbabalanse habang masining na umiikot-ikot, ikinukunday ang mga bisig, o gumugulong sa sahig o entablado ang mananayaw. Kumikilos sa himig ng “Pitoy Oras” at Ginaganyak naman at pinapalakpakan ng mga kasáma sa entablado. Ipinamalas ng mga piling mag-aaral mula sa Ika-apat na baitang hanggang sa Ika-walong baitang ang mga ito sa pagtuturo ni G. Jeric D. Lazo, isang guro sa St. Alexander M. Sauli Catholic School, kasama sina Bb. Mariamerelyn Torio at G. Gabriel Malong na mga kabataan sa Parokya ni Sto. Domingo Ybañez de Erquicia. Mas makulay at mas intriko ang kanilang kasuotan na likha ni Gng. Leah Uson, at ang mas naging inspirasyon sa sayaw ang natatanging istandard ng kagandahan sa panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan noong 1945, sa pag-aayos nina Bb. Mariamerelyn Torio, Bb. May-Ann Alarin, Bb. Aleah Fearl De Vera at G. Ronnel Cabatbat na mga kabataan sa Parokya ni Sto. Domingo Ybañez de Erquicia. Kampay! sa mga taong naging parte ng selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa. Kuha ni Bb. Natalia B. Lopez



